Ano Ang Paraan Ng Pananalangin

Ano ang paraan ng pananalangin

ANG TAMANG PARAAN NG PANANALANGIN 9

MATEO 6: 5 – 8 Juan 14:14

Panimula : Ang kumuniskasyon ay daan ng tagumbay, kapag tayo ay nagbabasa ng biblia ang Diyos ang

kumakausap sa atin at kapag tayo ay nananalangin tayo ang nakikipag-usap sa Diyos. At ang

pananalangin ang pinakamabisang sandata na ibinigay ng Diyos sa atin. Jer. 33:3.

Mga bagay na dapat nating malaman sa tamang pananalangin.

1. ANG KAHALAGAHAN NG PANANALANGIN. – Ito ang pinakamabisang paraan ng tao para makipag-ugnayan sa Diyos. Ginagawa ito ng isang cristiano na may layunin na pasalamatan, purihin, luwalhatiin at sambahin ang Diyos. Ito rin ang pinaka paraan ng paghingi tawad sa tuwing magkasala at paghingi ng mga kinakailangan sa ating pang-araw araw na buhay. 1 Juan 1:9. Mateo 7:7-8.

2. ANG PANALANGING WALANG BISA AT WALANG SAGOT SA DIYOS. Mateo 6:5,7

1. Panalangin ng mapagpaimbabaw , v.5 4. Panalangin ng isang suwail, Kawikaan 1:24-28

2. Panalanging paulit-ulit v.7 ( tulad ng 9 mystery ) 5. Panalanging maypag-aalinlangan. Santiago 1:7-8

3. Panalangin ng isang maykasalanan. Isa. 59:1-2

3. ANG NAGAGAWA NG PANANALANGIN.

1. Tayo ay inilalapit sa kalooban ng Diyos. 1 Juan 5:14

2. Tayo ay inilalayo sa kapahamakan. Gawa 12: 1-7, 2 Thess. 3:2

3. Tayo ay pagpapalain Juan 14:14

4. ANG MABISANG PANANALANGIN. Santiago 5:15-16 – Marcos 11:22-24 ; Ang pananalangin na may

pananampalataya at pananalangin ng may malinis at matuwid na puso ay pinakamabisang pananalangin, at

ito ay nilalakipan ng katiyagaan (Lk.11:5-8, 18:1-8) Panggigiit Gawa 12:5 at higit sa lahat ito ay laging

nasa pangalan ng ating Panginoong Jesus.( Juan 14:13-14, 15:16).

Dapat tandaan: Magtakda ka ng oras ng pananalangin at humanap ka ng lugar upang gawin ito, umpisahan mo sa

pasasalamat at pagpuri at sundan mo ng lahat ng gusto mong ilapit sa kanya at tapusin sa pangalan ni Jesus,

ito ang tamang paraan ng pananalangin. Pagpalain ka ng Diyos……


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Kahulugan Ng "Kung Nais Makamit Ang Tagumpay, "Sikap At Tiyagay Gawing Puhunan ", "Sa Simulay Gawing Tuntungan", Upang Makamit Ang Kaunlaran?"

"What Happens To The Pen? What Could Have Caoused The Pens Motion"