Feffanu-Ano Ang Karunungan Na Makukuha Sa Ating Katutubong Wikang Filipino?

anu-ano ang karunungan na makukuha sa ating katutubong wikang Filipino?

Answer:

Ang ang Wikang Filipino ang pambansang wika ng Pilipnas ay may taglay na malalim, malawak at natatanging kaalaman at karunungan. Kung mahusay nating magagamit ito sa ating buhay at iba-iba pang mga aspeto nito ay masasabi ngang magbubunga ito ng kaunlaran at karunungan. Ang wikang ito na mahiwaga na nagpababatid ng mga kaalaman ay lalong mabisang maikakasangkapan sa ating pambansang kaunlaran kung itoy lubos at puspusang pinapairal sa ibat-ibang larangan at disiplina.

Mga Iba't Ibang Karunungan o Kaalaman na makukuha sa ating katutubong wikang Filipino  

  1. Ginagamit ang wika Filipino bilang isang midyum para makasulat, makabasa at makaintindi ng mga aralin at mga bagay na dapat matutunan at malaman.  Kung walang wika ay hindi matututo ang isang mag-aaral sa mga bagay na kailangan niyang malaman, hindi rin magkakaintindihan ang bawat isa.
  2. Ang wika Filipino ang susi sa maayos at mabilis na komunikasyon ng bawat isa, ito ay ginagamit upang magkaunawaan at magkaintidihan ang sinasabi ng mga tao sa paligid. Kaya napakahalaga ng pakikinig dahil sa ganitong paraan natututo ang bawat isa.
  3. Ang wika ang gamit sa pakikipag-ugnayan sa pag-aaral at sa pagtuturo sa iba. Ang sukatan ng karunungan at katalinuhan ay kakayahan nito sa pagsasalin ng mga natutunan sa ibang tao.
  4. Ang wika ay instrumento sa pagpapaunlad ng kultura at sining sa isang bayan o bansa.  

Samakatuwid, napakahalaga ng ating wikang pambansa sapagkat ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas ng bansa.  Wikang Filipino ang kaluluwa ng Pilipinas, ang karunungan nito ang susi sa pambansang pag-unlad sa ibat-ibang aspeto para sa iisang minitmithing tagumpay.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:

Essay tungkol sa: Wikang Katutubo Tungo Sa Isang Bansang Filipino: brainly.ph/question/2341798

Sanaysay tungkol sa Wikang Katutubo Tungo sa isang Bansang Pilipino: brainly.ph/question/2328591

#BetterWithBrainly


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Kahulugan Ng "Kung Nais Makamit Ang Tagumpay, "Sikap At Tiyagay Gawing Puhunan ", "Sa Simulay Gawing Tuntungan", Upang Makamit Ang Kaunlaran?"

"What Happens To The Pen? What Could Have Caoused The Pens Motion"